|
Ito po ay mga obserbasyon namin sa mga kababayan nating nandito sa Amerika. Mga kababayan nating nakakasalubong sa daan, nakakasakay sa bus, sa mall, sa palengke, etc. Ito po ay mga ugaling pinoy na naoobserbahan namin dito. = May mga Pilipino na kapag nagkasalubong kayo, babati kaagad sayo ng "Hi kabayan! Kumusta? San ka sa atin?!" At doon nag sisimula ang usapan at kwentuhan. ++ Meron rin namang kabaligtaran. Babatiin mo na sa daan, o ngingitian, para bang walang nakita, walang narinig. Nakakahiya tuloy kasi parang hangin ang kausap. = Meron namang basta alam na pinoy ka, makikipag kwentuhan na sa Tagalog. ++ Meron namang marunong mag Tagalog pero pa English English pa, tapos, siguro kapag di na alam ang term, saka biglang mag Tatagalog. == Merong mabait, palakaibigan. ++ Meron namang alam na Pinoy ka, kababayan ka, pero di mamamansin, mataas ang tingin. ++ Meron ring kapitbahay mo na, nagkikita kayo sa paglabas mo sa garahe, pero kunwari ay di ka nakita at tatalikod pa. ==At meron namang kapitbahay na, kapag nagkita at parehong bukas ang garahe at babati kaagad ng " Hi! Kami ung bagong lipat dyan sa kabila. So magkapitbahay pala tayo. Ako si ___. Ikaw?" == Sa park, kapag mag jojogging, may makakasalubong kang ngingiti agad sa yo at babati ng good morning. ++ At meron di namang, nginitian mo na at binati, at titingin lang sa yo at di iimik. Kaya minsan, kapag nakakakita kami ng mga kabayan natin, nagdadalawang isip ang father ko kong ngingiti at babati pa ba daw siya. Kasi minsan ay meron ngang mga taong kunwari ay walang nakita. Sa bagay, iba iba talaga ng ugali ang tao. Ngunit ito po ay ang mga napapansin lang namin. Nakatira kasi kami dito sa San Diego kong saan ay maraming Pilipino. Wag magagalit, ito'y mga obserbasyon lamang. 
|