________Telltales, Myths, Folklores, Legends, & Nature's Beauty ________
Ang Alamat Ng Pinya


Blog For Free!


Archives
Home
2008 September
2008 August
2008 June
2008 May
2008 April
2008 March
2008 February
2008 January
2007 August
2007 July

My Links
Heleca
Full Credit For My Beautiful Background. Thanks Louises Lodge
Gwyngrafica (wallpapers)
Chanter's Blogging Place
GreenForest
EnchantedNature
Midi player

tBlog
My Profile
Send tMail
My tFriends
My Images


Sponsored
Blog



Midi player by Maxss.it

_I'm_listed_on_
blog directory
My Blog Directory
BRDTracker
Pinoy Top Sites HaloHalo.ph Pinoy Topsites List Blogko.net Topsites FilipinaCum Top Asian Sites PHTopsites


Ang Alamat Ng Pinya
03.13.08 (1:49 pm)   [edit]

Eto ang isang alamat na alam ng karamihan sa mga bata, at itinuturo rin sa mga paaralan para bigyang asal ang mga batang tamad. Ang mga batang tamad na kapag inuutusan ng mga magulang ay kunwaring di nakikita ang bagay na iniuutos sa kanila.

Di ba kayo nagtataka kung bakit tila maraming mata ang prutas na pinya? Eto ang alamat ng pinya, na hanggang ngayon ay natatandaan ko pa, mahilig kasi akong magbasa ng mga alamat noon.

Ang Alamat Ng Pinya

Noon daw ay may isang batang babae na nagngangalang Pina. Ubod ng tamad ang batang si Pina. Ayaw nya ng nauutusan ng nanay nya, at padabog sya kung sumunod. Lagi rin syang nagkukunwari na hindi nya nakikita ang iniuutos sa kanya ng kanyang nanay kahit na nasa harapan nya lamang ito.

Isang hapon, na nagbabadya ang bagyo ay pagod na umuwi ang nanay ni Pina galing sa trabaho at kailangan nya pang magluto para sa hapunan. Inutusan nya si Pina, "Pina, anak pakiabot mo nga ng sandok." At si Pina na ayaw maabala sa kanyang paglalaro ay sumagot, "Asan po Inay, di ko naman makita ang sandok eh." Hanapin mo, naririyan lang yun,"  wika ng kanyang nanay habang  ang ulan ay malakas ng bumubuhos sa labas.

Sa pagkakataong ito ay nagagalit na ang kanyang Inay. " Bakit ba naman Pina sa tuwing uutusan kita ay laging di mo na lang magawa, at  sana'y tubuan ka ng maraming mata para makita mo ang  hinahanap mo. "

At galit na nagpatuloy sa pagluluto ang kanyang nanay. Maya-maya ay kumulog at kumidlat ng malakas, kasabay ng pagbuhos ng ulan, at nawawala na si Pina. Hinanap sya ng kanyang nanay sa loob at maging sa bakuran ngunit di niya makita ang kanyang anak.

Sa pagtila ng ulan, nasilayan niya ang isang halaman na may bunga ng kakaibang prutas. Prutas na kapag binalatan mo ay tila maraming mata. (Ito ang parte ng pinya na inaalis bago kainin ang prutas.) Naniniwala ang ina ni Pina na ito ang kanyang anak. Lalo pa ng maalala nya ang kanyang sinabi sa anak ng siya'y nagagalit, " Sana'y tubuan ka ng maraming mata upang makita mo ang hinahanap mo." Umiyak sya sa sinapit ng anak, ngunit di na nya maibalik sa dati si Pina.

Sa ngayon, ang prutas na ito ay nakilalang pinya.

 

 

 

 


posted by: chelle (reply)
post date: 07.11.08 (7:14 pm)

nice.:)



posted by: ray anne (reply)
post date: 07.18.08 (7:20 pm)

short but interesting!



posted by: grace heramil!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! (reply)
post date: 07.24.08 (3:26 am)

maganda sya!!!!!pakikamusta sa mga friends ko sa cebu!!!



posted by: elena (reply)
post date: 07.31.08 (6:44 am)

thanks sa alamat mokc knopya q para sa project ng anak q. salamat n marami.



posted by: meL (reply)
post date: 10.07.08 (8:44 am)

thank you aa nahanap q na unhg ipriprint q! yes ty tlga

Your Name:


Your Comment:


 
WANNA_BE_AFFILIATES?!
MY_AFFILIATES
Yours Here
Yours Here
Yours Here
Yours Here