________Telltales, Myths, Folklores, Legends, & Nature's Beauty ________
The Legend of Guava: Ang Alamat Ng Bayabas (Tagalog Post)


Blog For Free!


Archives
Home
2008 September
2008 August
2008 June
2008 May
2008 April
2008 March
2008 February
2008 January
2007 August
2007 July

My Links
Heleca
Full Credit For My Beautiful Background. Thanks Louises Lodge
Gwyngrafica (wallpapers)
Chanter's Blogging Place
GreenForest
EnchantedNature
Midi player

tBlog
My Profile
Send tMail
My tFriends
My Images


Sponsored
Blog



Midi player by Maxss.it

_I'm_listed_on_
blog directory
My Blog Directory
BRDTracker
Pinoy Top Sites HaloHalo.ph Pinoy Topsites List Blogko.net Topsites FilipinaCum Top Asian Sites PHTopsites


The Legend of Guava: Ang Alamat Ng Bayabas (Tagalog Post)
03.07.08 (12:57 pm)   [edit]

Kung mahilig kang kumain ng prutas na bayabas, napapansin mo ba na tila may korona ito?!

Ito ang isang alamat ng bayabas na natatandaan kong nabasa ko noon, mahilig kasi akong magbasa ng libro ng mga alamat at fantasy.

Alamat Ng Bayabas:

ayon sa kwento, meron daw isang hari noon na nagngangalang Haring Barabas, ubod ng sungit at tapang, bukod dyan ay kuripot pa sya. Napaka bihira nyang tumulong sa mga taong lumalapit at humihingi ng tulong sa kanya.

Maging ang kanyang mga katulong ay kanya ring binubulyawan. Nag iisa lang sa buhay ang hari at wala syang pamilya. Laging masasarap na pagkain ang nasa hapag kainan nya, ngunit ni hindi nya man lang mabiyayaan ang mga nagugutuman. At minsan, may pulubing babae na nanghihingi ng pagkain sa kanya, ngunit ayaw itong bigyan ng maramot na hari. Kaya't ang mga mumok at mga tira tira nya ang pinagtyagaang pulutin at kainin ng pulubi.

At nagwika ang pulubi, "mas nanaisin ko pang magdanas ng hirap sa lupa at makaranas ng tunay na kayamanan sa kabilang buhay, kaysa sa ugali mo mahal na hari. Napapalibutan ka nga ng iyong kayamanan at sagana dito sa buhay mo sa lupa, ngunit hindi mo madadala sa kabilang buhay ang iyong kayamanan." At binale wala lamang iyon ng hari.

Maraming taon ang lumipas ngunit ganun pa rin ang ugali ng hari. At dahil sa katandaan na rin nya, ay nagkasakit sya, at nalagutan ng buhay. Ngunit ni wala man lamang nakipag libing sa kanya kundi ang kanyang mga katulong sa palasyo.

Lumipas ang mga araw, may napansing kakaibang halaman na tumutubo sa puntod kung saan nakahimlay ang hari. At nagbunga ang punong ito ng bilog na bunga na kung saan ay napansin ng kanyang dating mga kasambahay na tila may korona ang prutas. Maasim ito kapag medyo hilaw pa, sumisimbolo ng asim ng pag uugali ng hari ng ito'y nabubuhay pa. At ang prutas na ito ay tinawag ng mga taong bayabas, ang alaala ni Haring Barabas.

 

Photobucket
 


posted by: Ken Raj MUS Bulan (reply)
post date: 03.15.08 (6:37 pm)

maganda



posted by: bingzKie (reply)
post date: 03.21.08 (7:42 pm)


wOww!!!
mAganda xa...
wiTh Ol the soUnd eFFects!



posted by: (reply)
post date: 07.07.08 (2:55 am)

WoW!!AnG GaNdA!!!TnX TlAgA PrA DiTo..KuNg WaLa ItO,Di Ko MaGaGaWa AssIgNmEnT Ko



posted by: IzA (reply)
post date: 07.07.08 (2:56 am)

Reply to:
IzA



posted by: aSHleY (reply)
post date: 07.10.08 (6:17 am)

thAnkyooo00ooo!!!
ayAn maY asSIgnment na ako...



posted by: renzo (reply)
post date: 08.03.08 (12:46 am)

thank you ha




posted by: renzo (reply)
post date: 08.03.08 (12:47 am)

ang ganda!!!!!!!!!!!!!!!




posted by: princess dezza (reply)
post date: 10.07.08 (7:14 am)

tnx kla q wala q mgagawa n assign.. hah




posted by: rsbaylon25@yahoo.com (reply)
post date: 10.07.08 (11:07 pm)

verygood and helpfull to parents like me

Your Name:


Your Comment:


 
WANNA_BE_AFFILIATES?!
MY_AFFILIATES
Yours Here
Yours Here
Yours Here
Yours Here