|
Sa mga naghahanap jan ng mga midi players para sa mga Friendster nila, eto, may nakita akong midi player na gumagana sa Friendster. At di lang eto basta midi player, dahil isa etong magandang midi player lalong lalo na para sa mga girls jan na mahilig sa glittery at magagandang stuffs para sa page nila. Example po ng midi player na eto eh nag pi play dito sa blog ko, jan po sa left side ng blog na to, maliit lang eto na square pero cute naman. At gumagana po eto sa Friendster. Kung gusto nyong ilagay to sa Friendster nyo, at para makapili na rin kung anong midi player style ang gusto nyo, pumunta lamang sa Maxss website at hanapin nyo dun ang midi player, ang spelling eh Midy Player nasa kanan ng navigation bar ng website. Copy nyo lang ang code ng napili nyong midi code at sa parte ng code kung saan sabi eh " LINK DELLA CANZONE" eh dun nyo ilalagay ang url ng song na gusto nyong magplay sa sa page nyo.
|