|
May post ako dati ng tutorial sa blog kong Chanter's Blog Place kung paano maglagay ng cbox sa Friendster, kaya lang nag update si Friendster at etong si cbox ay ayaw ng gumana. So ngayon naman ay nag post ako ng tutorials sa blog kong EnchantedWhistle ng may title na Friendster Alternative To Cbox (entry was posted in English.) So ngayon, ay ipo post ko naman ito sa Tagalog dito sa blog kong to, My Secret Garden para naman madevelop ko na rin tong pangatlong blog kong to. So sa mga nagtatanong at nag se search kong paano po maglagay ng cbox sa kanilang mga Friendster, ay di po sa ngayon gumagana ang cbox sa Friendster, kaya't ito ang mga alternatives na chatboxes na gumagana at puwedeng gamitin sa Friendster. 1. Xat chatbox = Ito ang pinaka best na alternative ng cbox sa Friendster. Puwede kayong pumili ng background and i customize kung ano ang gusto nyong width at height ng inyong xat chatbox. Gumagana rin eto sa iba pang networknig site gaya ng Myspace, Hi5, Lazzeo, at Yuwie . Katulad din to ng YM kasi puwede mong maka chat ang profile visitors mo in real time at ang mga smilies ng xat chatbox ay natutulad rin sa YM smilies. Kung ito ang pipiliin mong ilagay sa Friendster mo, mag wo work to under sa Media Box section. Pumunta lamang sa website na Xat.com at sa gawing kanan under ng "Widgets" ay i click ang "Chat." Doon kayo puwedeng pumili ng background at ng size ng xat box na gusto nyo, o puwede nyong i costumize ang width at height gaya ng nasabi ko na. Live example ng xat chatbox ay ang chatbox na nasa header ng blog kong 'to ( don sa taas.) Kung gusto nyo namang makita kung ano hitsura nito sa Friendster, welcome kayong bumisita sa profile ko dito . 2. Chatango = Eto ang pangalawang seleksyon ko ng chatbox na puwedeng gamitin sa Friendster. Kung ito ang gusto nyong gamitin, puwede nyong piliin kong ididisplay nyo ang chatango chatbox nyo ng mga grupo, kung by group, maraming taong puwedeng mag leave at magchat sa chatango nyo na member ng group, at puwede rin itong i costumize ng kulay, size, at font color (parang cbox.) O kaya ay puwede nyo piliin ang "private" chatango chatbox, kung saan ay puwedeng mag iwan ng mensahe ang mga profile visitors nyo. Kung naka set sa private ay maliit lamang ang chatango chat na 'to, parang square. Para makita nyo ang ibig kong sabihin at makiia nyo ang example ng chatango chatbox na naka set sa "private," makikita nyo to under ng "About Me" section ko sa friendster ko dito . Good luck!
|